10/5/07

Halo-Halong Sabaw #2

Teka habang sinasagutan ko ang asaynment ko ay magtatayp muna ako ng aking halo-halong sabaw.

====================================================================


Ano na ba mga naranasan ko nitong nakaraang araw? Hmm teka simulan natin sa maganda.. Hehe kanina may nagbigay ng pansit sa bawat organization sa west lobby at may softdrinks na din na 2 at litro pa! Hehe naisip ko nga napakagalante naman nun kung sino man siya. Hindi ko alam kung anong okasyon pero maraming salamat sa iyo! Kung birthday mo ngayon maligayang kaarawan sa iyo, ngunit kung hindi naman ay advance and belated happy birthday nalang.


====================================================================



Hmm. Parang hindi ako makapaniwala. Na ang prof ko sa C++ ay si kuya GinPao na ka org ko din. Hehe last term lang siya gumraduate pero eto ngayon prof ko! Haha hindi nga ako sanay tawagin na Prof o Sir si GinPao, pero dapat masanay na ako kasi its about professionalism [oha ang lalim! english yan men!]. Hehe masaya ang klase namin at parang enjoy ang style na gagamitin ni Sir Villanueva.


====================================================================


Hahay lately meron tensyon na nagaganap sa aming org pero siguro tapos na yun issue na iyon..


====================================================================


Abangan nyo nalang ang Halo-Halong Sabaw #3 sa sabado

9/25/07

Halo-Halong Sabaw #1

Sa wakas! Tapos na din ang kalbaryo ko nang nasabi ko kay mami ang bagsak ko. Kaso naawa na ko kasi bumagsak na naman ako. Hindi na nagalit si mami na para bang nasanay na may bagsak ako. Ewan ko ba ang bigat sa kalooban ko pero ang tanging magagawa ko lang ay bumawi sa susunod na term para lang mawala ang guilt sa sarili ko.


====================================================================


Oo nga pala. Ngayon araw ooperahan sa mata si Munchie. Kaninang umaga nanaginip ako ng masama pero sana walang mangyaring masama mamaya.


====================================================================


Hehe lately kaya hindi ako nakakapagpost kasi busy-busihan sa studies at bloghopping. Naaaliw talaga ako sa blog ng mga schoolmates ko lalo na kay Tannix. Hehe pati streetfoods hindi pinalagpasan, plus maganda un mga reviews nya. Hehe kaso badtrip lang talaga un isaw na nakain ko. Dun kasi ako nagka Amoebiasis amp.


====================================================================


Yehey at malapit na ang JPCS Amazing Race within metro manila lang. Hehe kaso alam ko magiging mabigat na tungkulin ito para sa aming mga nasa sports committee kasi hawak din namin ang safety ng mga contestant. Lalo na't nasa metro manila maraming sasakyan at mga lokong tao. Pero alam ko kaya na din naman ihandle ng mga contestant sarili nila.


====================================================================


Oh well.. Wala na ko masabi.. Haha

9/23/07

OH HINDE!!!

ahuhuhu

bakit ba ganito?!?!?!

bakit ako bumagsak sa hindi ko inaasahan babagsak?!?!?!

at bakit ako pumasa sa inaasahan kong bagsak!!!!

expect the unexpected nga naman o..

sana hindi ito ang 5 term curse ko..

9/13/07

Final Week aka HELL WEEK

Hehe matagal-tagal ko na din palang MEDYO napabayaan ang blog ko. Pano ba naman dami projects at kung anu-ano pa. Pero kahit papaano nandito na ulit ako. Kaya lets celebrate!!


==================================================================


Mas kilala sa Mapuan community bilang HELL WEEK. Lahat busy [busyhan], kanya-kanyang defense sa iba't-ibang subject [inggit ako kasi wala pa ako defense]. Then sunod sa hell week ay kaliwa't kanan na finals sa ibang course [sa Mapua, course ang tawag namin sa subject at program naman ang tawag sa kurso].

kaibigan 1 : Luna ano course mo?
Luna : Course? Marami kami course eh, sa katunayan 5 course kinukuha ko this term.
kaibigan 2: Huh?
Luna : Bakit? [kita ba kulangot ko?]
kaibigan 1: Ibig ko sabihin ano kinukuha mo.
Luna : Tissue, bakit? [may sipon]
kaibigan 1: WTF!
Luna : [nagets na] Ah! Kurso ko ba? ECE ako.
kaibigan 1 : pffff


==================================================================


Since may tips na akong binigay sa nauna kong post. Eto may idadagdag pa ako para sa mga kukuha ng huling pagsusulit sa susunod na Linggo.


1. Stay C.A.L.M

Dapat lang maging C.A.L.M tayo lalo na sa gabi bago kumuha ng pagsusulit. [Cramming At Last Moment]

2. Use C.H.E.A.T

Sino bang tao ang hindi nakagawa nito? Ano ba ang C.H.E.A.T? Hindi ito yun mga kodigo o ano man. Ito ay Copy His/Her Exam Answers Totaly. Epektib ito kung ang nasa 1meter radius mo ay may hentai. Este Henyo.

3. Use my technique

Nuff said.


===================================================================



"Ang pag-aaral ay pinto ng kinabukasan. Ang pangongopya ay susi sa pintuan."

-Anonymous

8/1/07

Muling nagbalik

Haay musta na ang blog ko? Matagal-tagal ko na din palang hindi na update ito.


"We are what we repeatedly do. Excellence, therefore,
is not an act but a habit."
-Aristotle

Paulit-ulit nalang ang nangyayari sa akin. Kain, tulog, aral, laro, luwas, lakwatsa at tulog lang ang madalas kong gawin sa buhay ko. Parang tanga noh? Haha ganyan talaga ang mga karamihang estudyante ng MIT. Pero mayroon naman mga pagkakataon na may iba akong nagagawa sa buhay ko. Pag tambling na nakasarado ang ilong, huminga gamit ang tenga at magpalaki ng butas ng ilong ay ilan lamang sa mga bagay na kagila-gilalas na nagagawa ko.


"Kuya, kuya pa autograph naman o."
-Aplikante sa JPCS-MIT

Iba din pala ang pakiramdam ng isang member. Sarap pala ng pakiramdam nang kinukuya ka kahit na magkabatch o higher batch pa sila. Pakiramdam mo isa ka nang artista na pakalat-kalat sa vicinity ng MIT. Pero lahat naman kami dumaan sa pagiging aplikante kaya alam namin na pa shy-shy epek pa sila para makakuha ng aming mahiwagang pirma. Kaso nga lang ang gaganda ng timing ng mga aplikante sa amin kung kailan magpapapirma sila dun ako nagmamadali pumasok ng klase o kaya may emergency, kaya isa nalang ang magagawa ko at pumirma nalang kaysa naman isipin nilang napaka pogi ko, este napakasuplado ko.


"Spam Spam Spam Spam"
-Mhikee

Kanina nakita ko si mhikee habang hinihintay ko ang aking iniirog dahil may meeting pa sila sa SC. Maraming naikwento sa akin si mhikee at doon ko lang napag-isip isip na nahuhuli na ako sa mga balita na related sa Mapua Ownage. Kailan ko lang nalaman na si Yuri at si Q na pala. Parang kailan lang eh inaasar namin kay Botee si Yuri. Wala lang nais ko lang ipamahagi sa inyo.

7/15/07

Mapua's Frosh Week

Frosh Week. Isa ito sa mga paboritong okasyon ng mga mapuan dahil sa mga booths at walang pasok. Narito ang mga bagay na nagustuhan at ayaw ko sa Frosh Week.

Rants:
1. Hindi tugma ang panahon sa nasabing okasyon dahil madalas umuulan at mahangin.
2. Maraming Freshie na hindi pumupunta ng quad, ang madalas na mavisit na booth ay yung sa frosh kit lang.
3. Pangit ang pwesto namin! Argh!
4. Wala ang paborito kong shawarma sa food booth!
5. Nung bumili ako ng road runner na parang rice in a box, takte wala akong nakuhang beef! >.<
6. Live bands na paulit ulit ulit ulit.

Raves:
1. Wala masyadong klase! Yehey!
2. Minsan libreng laro ako sa booth namin!
3. Masarap din tumambay sa quad, mainit kasi sa tapat ng canteen eh.
4. May Katrina Halili din kahapon, kaso tinamad na ako manood kasi alam kong balot na balot siya dun at masama na ang pakiramdam ko.
5. Kasi gwapo ako [walang kokontra blog ko ito]

7/3/07

JPCS Sportfest 2007

waaah naganap ito noong June 1 pa. Kaso ngayon lang ako ginanahan magpost dahil sa matinding pagod at sakit ng katawan na naidulot nito sa akin.

Pumunta ako sa Mapua ng mga bandang 7:30 kasi alam ko 7:00 am ang start. Pero dahil sa pinoy tayo ay hindi mawawala ang family time, este Pilipino time. Mga 9:00 am na yata kami nagsimula at pawis na ko dahil sa init at praktis kuno sa volleyball.

So nang magsidatingan na ang lahat ay inumpisahan na din ang sportfest. Nagsimula ito sa madamdamin awit ng ating pambansang awit na pinamagatan "Bayang Magiliw".... Ay anu ba yan "Lupang Hinirang" pala ang title. Tsaka sumunod ay ang dasal ni Future Internal Vice President na si Ralph na may kodigo pa. XD

Sa aming Sportfest ay binubuo ng 4 na teams. Ito ay ang Team Green, Team Cyan, Team Sunkist at [drumroll] Team Yellow kung saan ako nabibilang. Gusto mo ba malaman kung sino Champion? may ispoiler sa dulo ng post na ito. :D

Ang first event namin ay yun Parlor Games. Unang game namin ay yun suck-and-blow. Para sa mga maduduming isip hindi ito ang nasa utak ninyo. Ito yun pagpasa ng cards [usually baraha] gamit ang lips. Kaya laking swerte mo kung maganda ang katabi mo at malas mo kung puro lalake katabi mo. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang aksidente. Sumunod naman ay yun sack race na hindi namin malaman kung babalik pa o hindi.

Tapos sumunod na ang main event. Maraming sports ang pwede mong salihan. Nandyan ang Basketball, Volleyball, Badminton, GoG, Chess, Boogle, Table tennis at Amazing Race. Pero ako lang yata ang kasali sa Amazing Face [ah yabang gulpihin na ito!!]

Since masyado marami kapag kinuwento ko ang buong kaganapan sa sportfest ay ikukuwento ko nalang un related ako [dahil blog ko naman ito, ako ang masusunod]. Unang laro na nilaro namin ay Basketball. Nasira sapatos ko dito pero buti nalang hindi masyado malaki at may chewing gum ako. Dahil sa ubod ng lakas ni kenneth Chua at ni Pareng Oliver ay nanalo kami sa unang laban.Sunod kong nilaro ay ang badminton. Unang kalaban ko si Paeng [hindi si paengster na kilala na blogista]. Natapos ang laban sa 17-15. Close fight kumbaga. OK 2 na panalo. Tapos ng lunchbreak na kami. Dahil walang makakainan sa labas at may laban pa kaya minabuti kong bumili nlang ng burger sa mcdo para makasulit na din. Then next laban naman basketball ulit finals na. Dito unti-unti ko nang nararamdaman na dumadagdag ang weights na gamit ko sa paa [ in short bumibigat na ang katawan sa pagod]. Pero gaya ng sabi ko malakas ang teammates ko. Hehe ayan panalo na sa basketball. Tapos nun pinanood ko ang laban ng doubles ng badminton kung nasaan ang susunod kong kalaban ay naglalaro. Potsa ang lupet! Hindi kakayanin ng powers ko ito. So natalo ang doubles na badminton sa team yellow. Eto na, kami na po ni wes maglalaban. Waaaah akalain mong pinatulog nya ako sa mismong badminton court [in short, wala nang lakas, nahigop na]. So talo na din sa singles ng badminton male, pero panalo kami sa badminton females. Tapos sa Volleyball naman hindi ko na kayang maglaro kaya ako ay natulog nalang sa bench. Pero Panalo kami! woohooo!!!

So eto yun mga napanalunan ng bawat team.. Hindi ako sigurado kung tama.

Team Yellow - Basketball Champion, Badminton females Champion, Volleyball Champion

Team Sunkist - Badminton males Champion, Badminton Doubles Champion,

Team Cyan - Boogle Champion

Team Green - GoG Champion, Chess Champion, Parlor Games Champion

Pero ang Overall Champion ay........











TEAM YELLOW CAB!!



Congrats sa mga team mates ko! woohoo!!:D

6/30/07

tenenenen!!!

PASADO AKO!! WOOOHOOOOO!! AFTER 5 TERMS NAKARANAS ULIT NG WALANG BAGSAK!!

hmmm...

YEHEY!! Taken na halos lahat ng subjects ko! woohoo!! kaso sa math107 nalang ang in current load. Hehehe binabawi ko pala un sinabi ko nung naunang post ko!:D hehe iuupdate ko pa kayo sa grades ko later. babayu!

6/29/07

Taken or Not Taken??

Ehem. Hindi ito tungkol sa status ko sa relasyon, Kungdi status ng mga subjects ko sa Mapua. Ahuhu kinakabahan talaga ako sa mga grades ko. Pero may tanggap na kong subject na babagsak talaga ako. Magpapakain ako sa kantunan kapag wala akong bagsak! [lakas ng loob noh?may siguradong bagsak na kasi eh]. Sa mga Mapuans na naghihintay ng taken or not taken. Cross our fingers! x -_- x

6/26/07

Ang aking Misadventure sa Dangwa [revisited]

Kaninang umaga bago pumasok ng MIT ay sinamahan ko ang aking kaibigang CHE [chem eng] na pumunta sa dangwa upang painlabin ulit ang kanyang iniirog. Naalala ko pa dati na ang sabi ni tannix ay sakay daw ako ng blumentritt [sp?] tapos makikita ko na yung dangwa. Kaso anak ng tatay ng inay ng lola ng kapatid ng pinsan ni manong driver, sa iba kami dumaan! napatanung tuloy ako at eto ang dialogue namin:

CHE [chem eng] : Migs tama ba daanan natin?
Luna : *gulp* mukhang iba nga ito ah...
Luna : [tanong sa driver] Manong dadaan ba kayo ng dangwa?
Lolo Draybeer : Ay iho hindi eh. Dapat ang sinakyan mo un Dapitan.
Luna : Holy smokes!
Lolo Draybeer : Kung gusto mo turo ko ibang way, baba ka sa tayuman tapos lakad ka dalawang kanto tsaka sakay ka ng Labrazagal [sp?].
Luna: Ah! Salamat po manong! We thought we are ligaw-ligaw here in tayuman shox!
Lolo Draybeer: Hey! You speak conyotic english ah! beri bad!

Disclaimer: Hindi totoo un huling 2 line sa dialogue.

Ayan na nasa dangwa na kami ni pareng CHE. Habang nagmamasid kami ay may lumapit samin gurlaloo. Sabi samin "Pogi hahanap ka ba ng bulaklak?" sabi ko "oo pogi ako pero hindi ako yun naghahanap ng bulaklak, etong kasama ko po." Akala namin kung ano yun sabay nag offer sya ng P150 isang dosena. Sabi ko naman balikan nalang namin kasi baka may makita pa kami. Akalain mo yun lalong nagbargain sa amin sabi ba naman "Cge dahil pogi ka [sa akin nakatingin], P150 2 dosena na!". Ayun naka Jakpat kami ni pareng CHE! Buti nalang sinabi kong ganun. Hehe isipin mo 2 dosena tapos 150 lang?! so 150/24 = P6.25 kada rosas! [medyo naasar nga ako eh. dati kasi yun nabili ko 18 pcs tapos 12 isa amff]. Tapos nung paalis na kami biglang.... hindi ko alam kung napuwing sya o kinindatan ako [gwark!].

Pabalik na kami ni pareng CHE. Nang maalala ko na hindi ko dala calcu ko. Sabi ko naman pahiram ako. Pero hindi pa nagtapos doon. Naalala ko na naiwan ko sa bag ko ang wallet ko kung nasan ang ID ko! Walangjo yan! pagkaminalas malas naman o. Isama mo pa ang naiwan kong permit! argh!! DEMMET! Pero buti nalang pwede yun naiwan mo ang ID at CM mo. Akala ko kasi may papagawa pa sa akin. Hehe... tapos ang nangyari sa finals ko. Ayoko na masyado masaklap! :'(

At dito nagtatapos ang aking misadventures of Luna and CHE.

**Trivia : ang apelyido ni pareng CHE ay LUNA!! wakokoko**

6/25/07

luna_sy's tip sa pag-aaral

Para sa mga Mapuans, napakaimportante ng finals sa atin lalo na kung dehado tayo sa mga quizzes [tulad ko]. Paano mag-aral si luna_sy? Pwede ko kayong bigyan ng tips pero wag ninyo ako sisisihin kung lumagpag kayo ah. hehe

1. Wag na wag magpupuyat - para kasi sa akin, mahirap ang magpupuyat ka sa pag aaral tapos kinabukasan eh masakit ulo mo o kaya antok. Mas lalong hindi mo maaalala ang pinag-aralan mo.

2. Makinig ng mp3 na relaxing pero hindi nakakaantok - yun bang mga tipong mozart na instrumental lang. Kasi kapag rock, magigising ka nga pero madali kang madidisturb dahil sa mga growl o kaya dahil mapapakanta ka. Mainam na yun instrumental lang para humming lang.

3. Gumawa ng outline - ito yun tinatawag natin na kodigo. Pero in a way na hindi mo gagamitin sa mismong exam. Kumbaga reviewer lang ng kung ano sa palagay mo ang makikita mo sa finals.

4. Wag magpapagutom bago mag exam - no. 1 na dahilan yan kaya bumabagsak ako minsan sa mga quizzes lalo na kung nalate ako.

5. Learn the art of Comsat - ito yun mga diskarte natin lalo na kung magkakatabi kayo. Wag yun mga nahulog na bolpen o kaya yun papel kasi gasgas na iyon. Narito ang mga halimbawa ng Secret arts of Luna_sy:

5.1 Kunwari babahing ka pero ganito ang sequence. " haaaa....haaaaa...HAAAA *lingon sa papel ng katabi* CHoOOOoOO!!"

5.2 Kung sa Prince of Tennis ay may split step kung saan mabilis kang makakapunta mapakaliwa o mapakanan, meron din si luna_sy ng split glance. Ito yun split second na pagtingin sa papel ng katabi, dapat mala - sharingan ang mata mo na madaling makokopya ang sagot ng katabi.

5.3 Last but not the least, gawin ito. Kunwari tapos ka na, then pag tayo mo lumapit ka sa katabi tapos gamitin ang technique 5.2. Pagkatapos pabulalas mong sabihin "ay may kulang pa ako". That way hindi ka mahahalata.


Ayan may mga tips na kayo. Dapat share your blessings. hehe wag na wag nyo lang ako sisisihin kapag pumalpak ito sa inyo. Hehe kapag pumalpak kayo, ito lang masasabi ko. "Mada Mada Dane!"

6/24/07

First Post!

Hehe unang post ko sa unang araw sa blogspot. Hehe dahil una ko itong post [at hindi sa iyo] ay igegreet ko lang ang mga sumusunod:

1.Munchie ko! weeee!!
2.Mga kamag-aral sa aking Alma Mater
3.Mga kaibigan at ka org ko sa MIT
4.Mga malulupit na blogista
5.Sa Magulang ko dahil sa aking likas na alindog

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hmmm. Ang sarap ng atmosphere dito, parang ang ozone layer namin dito ay ang halimuyak ng ginisang bawang at sibuyas! Yummy! Sa hindi ko malaman dahilan bigla akong nag crave sa mani na maraming bawang! haha dapat siguro boy bawang ako [o kaya super bawang]. Pero ayos lang yan iipunin ko nalang ang gutom ko para sa mamaya. Haha!

------------------------------------------------------------------------------------------------

Kung Binabasa mo itong blog ko. Maraming salamat at napadpad ka dito.