6/26/07

Ang aking Misadventure sa Dangwa [revisited]

Kaninang umaga bago pumasok ng MIT ay sinamahan ko ang aking kaibigang CHE [chem eng] na pumunta sa dangwa upang painlabin ulit ang kanyang iniirog. Naalala ko pa dati na ang sabi ni tannix ay sakay daw ako ng blumentritt [sp?] tapos makikita ko na yung dangwa. Kaso anak ng tatay ng inay ng lola ng kapatid ng pinsan ni manong driver, sa iba kami dumaan! napatanung tuloy ako at eto ang dialogue namin:

CHE [chem eng] : Migs tama ba daanan natin?
Luna : *gulp* mukhang iba nga ito ah...
Luna : [tanong sa driver] Manong dadaan ba kayo ng dangwa?
Lolo Draybeer : Ay iho hindi eh. Dapat ang sinakyan mo un Dapitan.
Luna : Holy smokes!
Lolo Draybeer : Kung gusto mo turo ko ibang way, baba ka sa tayuman tapos lakad ka dalawang kanto tsaka sakay ka ng Labrazagal [sp?].
Luna: Ah! Salamat po manong! We thought we are ligaw-ligaw here in tayuman shox!
Lolo Draybeer: Hey! You speak conyotic english ah! beri bad!

Disclaimer: Hindi totoo un huling 2 line sa dialogue.

Ayan na nasa dangwa na kami ni pareng CHE. Habang nagmamasid kami ay may lumapit samin gurlaloo. Sabi samin "Pogi hahanap ka ba ng bulaklak?" sabi ko "oo pogi ako pero hindi ako yun naghahanap ng bulaklak, etong kasama ko po." Akala namin kung ano yun sabay nag offer sya ng P150 isang dosena. Sabi ko naman balikan nalang namin kasi baka may makita pa kami. Akalain mo yun lalong nagbargain sa amin sabi ba naman "Cge dahil pogi ka [sa akin nakatingin], P150 2 dosena na!". Ayun naka Jakpat kami ni pareng CHE! Buti nalang sinabi kong ganun. Hehe isipin mo 2 dosena tapos 150 lang?! so 150/24 = P6.25 kada rosas! [medyo naasar nga ako eh. dati kasi yun nabili ko 18 pcs tapos 12 isa amff]. Tapos nung paalis na kami biglang.... hindi ko alam kung napuwing sya o kinindatan ako [gwark!].

Pabalik na kami ni pareng CHE. Nang maalala ko na hindi ko dala calcu ko. Sabi ko naman pahiram ako. Pero hindi pa nagtapos doon. Naalala ko na naiwan ko sa bag ko ang wallet ko kung nasan ang ID ko! Walangjo yan! pagkaminalas malas naman o. Isama mo pa ang naiwan kong permit! argh!! DEMMET! Pero buti nalang pwede yun naiwan mo ang ID at CM mo. Akala ko kasi may papagawa pa sa akin. Hehe... tapos ang nangyari sa finals ko. Ayoko na masyado masaklap! :'(

At dito nagtatapos ang aking misadventures of Luna and CHE.

**Trivia : ang apelyido ni pareng CHE ay LUNA!! wakokoko**

1 comment:

Anonymous said...

Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!