7/15/07

Mapua's Frosh Week

Frosh Week. Isa ito sa mga paboritong okasyon ng mga mapuan dahil sa mga booths at walang pasok. Narito ang mga bagay na nagustuhan at ayaw ko sa Frosh Week.

Rants:
1. Hindi tugma ang panahon sa nasabing okasyon dahil madalas umuulan at mahangin.
2. Maraming Freshie na hindi pumupunta ng quad, ang madalas na mavisit na booth ay yung sa frosh kit lang.
3. Pangit ang pwesto namin! Argh!
4. Wala ang paborito kong shawarma sa food booth!
5. Nung bumili ako ng road runner na parang rice in a box, takte wala akong nakuhang beef! >.<
6. Live bands na paulit ulit ulit ulit.

Raves:
1. Wala masyadong klase! Yehey!
2. Minsan libreng laro ako sa booth namin!
3. Masarap din tumambay sa quad, mainit kasi sa tapat ng canteen eh.
4. May Katrina Halili din kahapon, kaso tinamad na ako manood kasi alam kong balot na balot siya dun at masama na ang pakiramdam ko.
5. Kasi gwapo ako [walang kokontra blog ko ito]

7/3/07

JPCS Sportfest 2007

waaah naganap ito noong June 1 pa. Kaso ngayon lang ako ginanahan magpost dahil sa matinding pagod at sakit ng katawan na naidulot nito sa akin.

Pumunta ako sa Mapua ng mga bandang 7:30 kasi alam ko 7:00 am ang start. Pero dahil sa pinoy tayo ay hindi mawawala ang family time, este Pilipino time. Mga 9:00 am na yata kami nagsimula at pawis na ko dahil sa init at praktis kuno sa volleyball.

So nang magsidatingan na ang lahat ay inumpisahan na din ang sportfest. Nagsimula ito sa madamdamin awit ng ating pambansang awit na pinamagatan "Bayang Magiliw".... Ay anu ba yan "Lupang Hinirang" pala ang title. Tsaka sumunod ay ang dasal ni Future Internal Vice President na si Ralph na may kodigo pa. XD

Sa aming Sportfest ay binubuo ng 4 na teams. Ito ay ang Team Green, Team Cyan, Team Sunkist at [drumroll] Team Yellow kung saan ako nabibilang. Gusto mo ba malaman kung sino Champion? may ispoiler sa dulo ng post na ito. :D

Ang first event namin ay yun Parlor Games. Unang game namin ay yun suck-and-blow. Para sa mga maduduming isip hindi ito ang nasa utak ninyo. Ito yun pagpasa ng cards [usually baraha] gamit ang lips. Kaya laking swerte mo kung maganda ang katabi mo at malas mo kung puro lalake katabi mo. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang aksidente. Sumunod naman ay yun sack race na hindi namin malaman kung babalik pa o hindi.

Tapos sumunod na ang main event. Maraming sports ang pwede mong salihan. Nandyan ang Basketball, Volleyball, Badminton, GoG, Chess, Boogle, Table tennis at Amazing Race. Pero ako lang yata ang kasali sa Amazing Face [ah yabang gulpihin na ito!!]

Since masyado marami kapag kinuwento ko ang buong kaganapan sa sportfest ay ikukuwento ko nalang un related ako [dahil blog ko naman ito, ako ang masusunod]. Unang laro na nilaro namin ay Basketball. Nasira sapatos ko dito pero buti nalang hindi masyado malaki at may chewing gum ako. Dahil sa ubod ng lakas ni kenneth Chua at ni Pareng Oliver ay nanalo kami sa unang laban.Sunod kong nilaro ay ang badminton. Unang kalaban ko si Paeng [hindi si paengster na kilala na blogista]. Natapos ang laban sa 17-15. Close fight kumbaga. OK 2 na panalo. Tapos ng lunchbreak na kami. Dahil walang makakainan sa labas at may laban pa kaya minabuti kong bumili nlang ng burger sa mcdo para makasulit na din. Then next laban naman basketball ulit finals na. Dito unti-unti ko nang nararamdaman na dumadagdag ang weights na gamit ko sa paa [ in short bumibigat na ang katawan sa pagod]. Pero gaya ng sabi ko malakas ang teammates ko. Hehe ayan panalo na sa basketball. Tapos nun pinanood ko ang laban ng doubles ng badminton kung nasaan ang susunod kong kalaban ay naglalaro. Potsa ang lupet! Hindi kakayanin ng powers ko ito. So natalo ang doubles na badminton sa team yellow. Eto na, kami na po ni wes maglalaban. Waaaah akalain mong pinatulog nya ako sa mismong badminton court [in short, wala nang lakas, nahigop na]. So talo na din sa singles ng badminton male, pero panalo kami sa badminton females. Tapos sa Volleyball naman hindi ko na kayang maglaro kaya ako ay natulog nalang sa bench. Pero Panalo kami! woohooo!!!

So eto yun mga napanalunan ng bawat team.. Hindi ako sigurado kung tama.

Team Yellow - Basketball Champion, Badminton females Champion, Volleyball Champion

Team Sunkist - Badminton males Champion, Badminton Doubles Champion,

Team Cyan - Boogle Champion

Team Green - GoG Champion, Chess Champion, Parlor Games Champion

Pero ang Overall Champion ay........











TEAM YELLOW CAB!!



Congrats sa mga team mates ko! woohoo!!:D