2/8/08

Halo-Halong Sabaw #3

Biyernes ng umaga, bandang alas kwatro y' media ng umaga:

Luna_sy: *nananaginip*

CP: *alarm*

Luna_sy: Oo eto na tatayo na. *blag!*


Tanong:

Anong nangyari kay Luna_sy?

a.) Nauntog si Luna_sy?

b.) Nadulas si Luna_sy?

c.) Natulog ulit si Luna_sy?


HAY…

Grabe hindi ko lubusan maisip ang mga nangyari sa akin ngayon taon, parang kahapon lang ok na sabay ganito. Masaklap. Mahal pa rin kita.

PAPASOK…

Hindi ko sukat akalain na kaya ko palang matulog ng kalahati lang ng puwet ang nasa upuan! Haha masakit nga nung pag gising ko kasi namanhid naman un kabilang puwet kasama na un binti at hita ko. Paano kasi punuan na sa bus kahit mga 5:45 pa lang ng umaga sa amin. Nakakaasar pa, kung kalian meron dadating na bus, biglang haharang naman ang mga bwiset na jeepney na hanggang sm lang naman ang biyahe! Kung pwede lang ma twisting pitbull bite ang driver ng jeepney gagawin ko na sana.


COE051L

Amf! Akala ko late na ako, ang nangyari s imam pa pala ang late! Haha diba meron grace period sa laboratory? Madalas eh 1 and half hour lang ang allotted time para hintayin ang mga propesor/a kung laboratoryo ang inyong papasukan. Eh di nakatambay lang kami sa may labas habang naghihintay ng oras.

Classmate 1: Argh ang tagal naman ni mam!

Luna_sy: Sana wala si mam, tutal malapit na mag 9am.

*may naglakad na familiar woman sa harap naming*

Classmate 1 at si Luna_sy: T_T. Speaking of the devil naman o!

PAUWI…

Walang maganda pangyayari na naganap habang papauwi ako maliban nalang sa katabi kong naka nganga at mahilig makipag basagan ng bungo sa akin, pero talo siya mas matigas ulo ko sa kanya! Wahaha!

COMPUTER

Eto na naman at sinusulat ko ang ipopost ko sa blog ko.

MATUTULOG

[to be continued]

2/7/08

Farewell

So sad.


Naging masama akong boyfriend,

naging pabaya,

naging gago,

ngayon ako'y nag hahabol sa iyo,

sobra na pagsisisi ko,

pero kung masaya ka sa desisyon na ito,

wala na akong magagawa,

be happy at ingat ka lagi,

Mimi ko. ='(

Mamimis kita ='(

Sobra

2/6/08

Luna_sy, nabuhay ka na naman?!

"Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin tayo hindi nagkita. Ano na ba ang bago sa iyo?"

-alikablog

Ehem. Matagal-tagal na rin ako hindi nakapag update [matagal na pala talaga] dahil sa sobrang busy sa mga gawain sa eskwelahan na wala naman pinatutunguhan. Pero wag na kayong mangamba, sapagkat magiging aktibo na ulit si luna_sy sa pagtatala ng kanyang talambuhay sa alikablog [tayo'y magdiwang!]! Ano na ba ang bago sa akin?

† Naging malungkot at masaya ulit si luna_sy.

† Masyadong maraming gawain kumpara sa mga nakaraan terms nya bilang isang estudyante ng MIT.

† Dumating na rin sa sa isang punto kung saan wasak na wasak si luna_sy.

† Sports and Recreation Comittee Head na siya!

† Pumayat na naman si luna_sy.

Kung Hei Fat Choi!

Haha New year na naman ulit! Marami sigurong mga nagratratan kanina sa Quiapo kaya nagkaroon ng trapik na ikinainis ng aking minamahal. Ano bang meron at bakit magkakaroon ng sagabal tuwing may nalalapit na okasyon katulad ngayon?

† Ash Wednesday din kasi ngayon kaya dagsa ang mga tao sa simbahan.

† Nagmumura ang mga tikoy at okoy sa Binondo.

† Maraming pasaway na motorista.

Pogi si luna_sy.

Kahapon mukhang nakikita ko na ang malagim na kapalaran ko sa mec202. Hindi lang ako pati halos lahat ng mga kaklase ko dun ay nakakita na ng shinigami na nais nang isulat ang pangalan mo sa deathnote na kung saan babagsak ka pagkatapos maisulat ang pangalan mo sa loob ng isang minuto. Sabi nila mabait naman daw si sir at nagbababa ng passing. Pero last term yon, panahon pa ng christmas season yun, ngayon hindi.

Andrey : Luna, tingin mo magdrop na ba ako?

Luna_sy : Ikaw, desisyon mo naman yan eh. Malay mo. Mukhang mabait naman eh.

Andrey : Mabait nga, pero malay mo sa tao lang hindi sa grades.

Luna_sy : Bahala na. Malay mo pumasa pa tayo. Sayang lang din kasi.

Andrey : Luna, maraming namamatay sa akala.

Luna_sy : *Drop Dead*

Andrey : WTF! Holy Sh*t! Call police! This is murder!

King Leonidas : Murder?! This is Spartaaaaa!!!!

[Disclaimer: Ang huling 3 linya sa pag uusap na naganap sa itaas ay pawang kathang isip lamang, anu man tao,pangyayari o ano pa man ang nangyari sa totoong buhay, ito ay purong piksyon lamang.]

Ayan tapos na ang unang dalawang subjects ko, eto na ang 4 and half hours kong bakante! Ang saya noh? Haha hindi ko lubos maisip paano ko papatayin ang oras ko. Ang tanging pinagkakaabalahan ko lang minsan dun ay ang laptop ni Macho o ni Pipz. Parang ganito lang yan eh:

if(laptop=nasa table)

cout<<"Yey! O2 Jam mode!";

else

cout<<"Iyak";

Kung walang laptop, nandiyan naman ang gitara ni botee. Parang adik lang kasi kaliwete si botee, nagpapaturo mag gitara gamit ang pang kanan. Pero nakukuha naman niya yun mga pinagagawa ko. Future guitarist na si botee! Yihee! Pero kahapon halos ma freak out na siya sa kakagitara ng you and me ng lifehouse.

Botee : Paano ba un strumming?

Luna_sy : Ganito lang o. *strum*

Botee : Teka [nalilito] ...... [naglaslas]

Edgar : Emo na si Botee!

Luna_sy : Amf!

Ano pa ba? Wala na akong matandaan kagabi. Hehe sige yun nalang muna ngayon gabi, bukas o makalawa magpopost ulit ako. Hehe stay tuned!

10/5/07

Halo-Halong Sabaw #2

Teka habang sinasagutan ko ang asaynment ko ay magtatayp muna ako ng aking halo-halong sabaw.

====================================================================


Ano na ba mga naranasan ko nitong nakaraang araw? Hmm teka simulan natin sa maganda.. Hehe kanina may nagbigay ng pansit sa bawat organization sa west lobby at may softdrinks na din na 2 at litro pa! Hehe naisip ko nga napakagalante naman nun kung sino man siya. Hindi ko alam kung anong okasyon pero maraming salamat sa iyo! Kung birthday mo ngayon maligayang kaarawan sa iyo, ngunit kung hindi naman ay advance and belated happy birthday nalang.


====================================================================



Hmm. Parang hindi ako makapaniwala. Na ang prof ko sa C++ ay si kuya GinPao na ka org ko din. Hehe last term lang siya gumraduate pero eto ngayon prof ko! Haha hindi nga ako sanay tawagin na Prof o Sir si GinPao, pero dapat masanay na ako kasi its about professionalism [oha ang lalim! english yan men!]. Hehe masaya ang klase namin at parang enjoy ang style na gagamitin ni Sir Villanueva.


====================================================================


Hahay lately meron tensyon na nagaganap sa aming org pero siguro tapos na yun issue na iyon..


====================================================================


Abangan nyo nalang ang Halo-Halong Sabaw #3 sa sabado

9/25/07

Halo-Halong Sabaw #1

Sa wakas! Tapos na din ang kalbaryo ko nang nasabi ko kay mami ang bagsak ko. Kaso naawa na ko kasi bumagsak na naman ako. Hindi na nagalit si mami na para bang nasanay na may bagsak ako. Ewan ko ba ang bigat sa kalooban ko pero ang tanging magagawa ko lang ay bumawi sa susunod na term para lang mawala ang guilt sa sarili ko.


====================================================================


Oo nga pala. Ngayon araw ooperahan sa mata si Munchie. Kaninang umaga nanaginip ako ng masama pero sana walang mangyaring masama mamaya.


====================================================================


Hehe lately kaya hindi ako nakakapagpost kasi busy-busihan sa studies at bloghopping. Naaaliw talaga ako sa blog ng mga schoolmates ko lalo na kay Tannix. Hehe pati streetfoods hindi pinalagpasan, plus maganda un mga reviews nya. Hehe kaso badtrip lang talaga un isaw na nakain ko. Dun kasi ako nagka Amoebiasis amp.


====================================================================


Yehey at malapit na ang JPCS Amazing Race within metro manila lang. Hehe kaso alam ko magiging mabigat na tungkulin ito para sa aming mga nasa sports committee kasi hawak din namin ang safety ng mga contestant. Lalo na't nasa metro manila maraming sasakyan at mga lokong tao. Pero alam ko kaya na din naman ihandle ng mga contestant sarili nila.


====================================================================


Oh well.. Wala na ko masabi.. Haha

9/23/07

OH HINDE!!!

ahuhuhu

bakit ba ganito?!?!?!

bakit ako bumagsak sa hindi ko inaasahan babagsak?!?!?!

at bakit ako pumasa sa inaasahan kong bagsak!!!!

expect the unexpected nga naman o..

sana hindi ito ang 5 term curse ko..

9/13/07

Final Week aka HELL WEEK

Hehe matagal-tagal ko na din palang MEDYO napabayaan ang blog ko. Pano ba naman dami projects at kung anu-ano pa. Pero kahit papaano nandito na ulit ako. Kaya lets celebrate!!


==================================================================


Mas kilala sa Mapuan community bilang HELL WEEK. Lahat busy [busyhan], kanya-kanyang defense sa iba't-ibang subject [inggit ako kasi wala pa ako defense]. Then sunod sa hell week ay kaliwa't kanan na finals sa ibang course [sa Mapua, course ang tawag namin sa subject at program naman ang tawag sa kurso].

kaibigan 1 : Luna ano course mo?
Luna : Course? Marami kami course eh, sa katunayan 5 course kinukuha ko this term.
kaibigan 2: Huh?
Luna : Bakit? [kita ba kulangot ko?]
kaibigan 1: Ibig ko sabihin ano kinukuha mo.
Luna : Tissue, bakit? [may sipon]
kaibigan 1: WTF!
Luna : [nagets na] Ah! Kurso ko ba? ECE ako.
kaibigan 1 : pffff


==================================================================


Since may tips na akong binigay sa nauna kong post. Eto may idadagdag pa ako para sa mga kukuha ng huling pagsusulit sa susunod na Linggo.


1. Stay C.A.L.M

Dapat lang maging C.A.L.M tayo lalo na sa gabi bago kumuha ng pagsusulit. [Cramming At Last Moment]

2. Use C.H.E.A.T

Sino bang tao ang hindi nakagawa nito? Ano ba ang C.H.E.A.T? Hindi ito yun mga kodigo o ano man. Ito ay Copy His/Her Exam Answers Totaly. Epektib ito kung ang nasa 1meter radius mo ay may hentai. Este Henyo.

3. Use my technique

Nuff said.


===================================================================



"Ang pag-aaral ay pinto ng kinabukasan. Ang pangongopya ay susi sa pintuan."

-Anonymous