9/25/07

Halo-Halong Sabaw #1

Sa wakas! Tapos na din ang kalbaryo ko nang nasabi ko kay mami ang bagsak ko. Kaso naawa na ko kasi bumagsak na naman ako. Hindi na nagalit si mami na para bang nasanay na may bagsak ako. Ewan ko ba ang bigat sa kalooban ko pero ang tanging magagawa ko lang ay bumawi sa susunod na term para lang mawala ang guilt sa sarili ko.


====================================================================


Oo nga pala. Ngayon araw ooperahan sa mata si Munchie. Kaninang umaga nanaginip ako ng masama pero sana walang mangyaring masama mamaya.


====================================================================


Hehe lately kaya hindi ako nakakapagpost kasi busy-busihan sa studies at bloghopping. Naaaliw talaga ako sa blog ng mga schoolmates ko lalo na kay Tannix. Hehe pati streetfoods hindi pinalagpasan, plus maganda un mga reviews nya. Hehe kaso badtrip lang talaga un isaw na nakain ko. Dun kasi ako nagka Amoebiasis amp.


====================================================================


Yehey at malapit na ang JPCS Amazing Race within metro manila lang. Hehe kaso alam ko magiging mabigat na tungkulin ito para sa aming mga nasa sports committee kasi hawak din namin ang safety ng mga contestant. Lalo na't nasa metro manila maraming sasakyan at mga lokong tao. Pero alam ko kaya na din naman ihandle ng mga contestant sarili nila.


====================================================================


Oh well.. Wala na ko masabi.. Haha

1 comment:

Duroy said...

Dadaan kayo ng Las PiƱas? Hehehe... liligawin ko sila gusto mo? Nyahahah

Oo nga pala, salamat sa alok mong tulong sa love life ko, pero, ayokong madamay ka. Napakakomplikado ng pinasok ko eh. Di ko alam kung nakahalata siyang gusto ko siya o manhid lang siya o ewan. Di ko masabi sitwasyon ko...