9/13/07

Final Week aka HELL WEEK

Hehe matagal-tagal ko na din palang MEDYO napabayaan ang blog ko. Pano ba naman dami projects at kung anu-ano pa. Pero kahit papaano nandito na ulit ako. Kaya lets celebrate!!


==================================================================


Mas kilala sa Mapuan community bilang HELL WEEK. Lahat busy [busyhan], kanya-kanyang defense sa iba't-ibang subject [inggit ako kasi wala pa ako defense]. Then sunod sa hell week ay kaliwa't kanan na finals sa ibang course [sa Mapua, course ang tawag namin sa subject at program naman ang tawag sa kurso].

kaibigan 1 : Luna ano course mo?
Luna : Course? Marami kami course eh, sa katunayan 5 course kinukuha ko this term.
kaibigan 2: Huh?
Luna : Bakit? [kita ba kulangot ko?]
kaibigan 1: Ibig ko sabihin ano kinukuha mo.
Luna : Tissue, bakit? [may sipon]
kaibigan 1: WTF!
Luna : [nagets na] Ah! Kurso ko ba? ECE ako.
kaibigan 1 : pffff


==================================================================


Since may tips na akong binigay sa nauna kong post. Eto may idadagdag pa ako para sa mga kukuha ng huling pagsusulit sa susunod na Linggo.


1. Stay C.A.L.M

Dapat lang maging C.A.L.M tayo lalo na sa gabi bago kumuha ng pagsusulit. [Cramming At Last Moment]

2. Use C.H.E.A.T

Sino bang tao ang hindi nakagawa nito? Ano ba ang C.H.E.A.T? Hindi ito yun mga kodigo o ano man. Ito ay Copy His/Her Exam Answers Totaly. Epektib ito kung ang nasa 1meter radius mo ay may hentai. Este Henyo.

3. Use my technique

Nuff said.


===================================================================



"Ang pag-aaral ay pinto ng kinabukasan. Ang pangongopya ay susi sa pintuan."

-Anonymous

2 comments:

Duroy said...

Hahaha, baka mainggit ka sa mga lower batch kapag dinedepensahan mo na yung mga design nyo sa comms. Nyahaha!!!

luna_sy said...

bakit naman? hehe

pero atleast next term magiging ninong clones na ako! hahaha