6/25/07

luna_sy's tip sa pag-aaral

Para sa mga Mapuans, napakaimportante ng finals sa atin lalo na kung dehado tayo sa mga quizzes [tulad ko]. Paano mag-aral si luna_sy? Pwede ko kayong bigyan ng tips pero wag ninyo ako sisisihin kung lumagpag kayo ah. hehe

1. Wag na wag magpupuyat - para kasi sa akin, mahirap ang magpupuyat ka sa pag aaral tapos kinabukasan eh masakit ulo mo o kaya antok. Mas lalong hindi mo maaalala ang pinag-aralan mo.

2. Makinig ng mp3 na relaxing pero hindi nakakaantok - yun bang mga tipong mozart na instrumental lang. Kasi kapag rock, magigising ka nga pero madali kang madidisturb dahil sa mga growl o kaya dahil mapapakanta ka. Mainam na yun instrumental lang para humming lang.

3. Gumawa ng outline - ito yun tinatawag natin na kodigo. Pero in a way na hindi mo gagamitin sa mismong exam. Kumbaga reviewer lang ng kung ano sa palagay mo ang makikita mo sa finals.

4. Wag magpapagutom bago mag exam - no. 1 na dahilan yan kaya bumabagsak ako minsan sa mga quizzes lalo na kung nalate ako.

5. Learn the art of Comsat - ito yun mga diskarte natin lalo na kung magkakatabi kayo. Wag yun mga nahulog na bolpen o kaya yun papel kasi gasgas na iyon. Narito ang mga halimbawa ng Secret arts of Luna_sy:

5.1 Kunwari babahing ka pero ganito ang sequence. " haaaa....haaaaa...HAAAA *lingon sa papel ng katabi* CHoOOOoOO!!"

5.2 Kung sa Prince of Tennis ay may split step kung saan mabilis kang makakapunta mapakaliwa o mapakanan, meron din si luna_sy ng split glance. Ito yun split second na pagtingin sa papel ng katabi, dapat mala - sharingan ang mata mo na madaling makokopya ang sagot ng katabi.

5.3 Last but not the least, gawin ito. Kunwari tapos ka na, then pag tayo mo lumapit ka sa katabi tapos gamitin ang technique 5.2. Pagkatapos pabulalas mong sabihin "ay may kulang pa ako". That way hindi ka mahahalata.


Ayan may mga tips na kayo. Dapat share your blessings. hehe wag na wag nyo lang ako sisisihin kapag pumalpak ito sa inyo. Hehe kapag pumalpak kayo, ito lang masasabi ko. "Mada Mada Dane!"

1 comment:

Duroy said...

Tama talagang pati pandaraya ay gagawin mong suhestyon para makapasa ang mga kapwa mong estudyante... Tsk tsk tsk... BAD!!!

Sana mahuli ka!!! Nyahahaha